Thursday, October 8, 2009

I’m not numb nor alone.


This is a combination of fiction and non-fiction. Sometimes I want to believe that everything is true :)

I’m not numb nor alone.

I’m not numb since I can still feel how the shattered tissues of my heart keep on being pierced everytime I see you, everytime you talk to me, everytime you show me that you didn’t care about me anymore, everytime I smile at you and show you that I’m okay eventhough I’m not, everytime I wish you to be happy even not with me but with someone else, everytime I utter the words "we’re friends, i’m here for you and move on."

I’m not numb since even there’s no tears flowing out through my eyes I’m totally drowned by the overflowing pain all over me.

I’m not numb since my head still keeps on aching just to convince myself that’s everything is over, that you’re already over me and head-over heels in love with someone else, that you already left me, that you already changed the meaning of forever into goodbye, that you fooled me and played with my emotions, that I should hate you since I have all the reasons to do so.

I’m not alone since GOD has never left me.He’s been with me all through out the happiness and despair that I had, have and having.

I’m not alone since so may unexpected persons became the true friends I badly needed.

I’m not numb since I still keep on loving you eventhough I should not anymore.

I’m not alone since I have the memories of you in my mind, my love for you in my heart and your baby in my womb.

Tuesday, October 6, 2009

Cycle of Happiness and Pain

Dalawang taon na ang nakalipas. Napatawad ko na ang mga taong nagdulot ng hindi ko inaasahang kirot na lalatay sa aking kabuuan. Ngunit sa tuwing mababasa ko ang nasulat kong ito, bakit kaya parang muling pumipintig ang puso ko ayon sa ritmo ng mga patak ng luha ng nakalipas?


Cycle of Happiness and Pain

I thought I already had enough taste of hell in the past.I thought I’m already enjoying the heaven that I deserve…a strongly bonded family, a renewed father, an ever faithful and loving mother, the sweetest boyfriend in the world,very supportive friends and a very good work.

But then I’m totally wrong or maybe I thought I’m wrong…

Maybe my hell and heaven are not really the hell that I thought and the heaven that I deserve. Maybe it’s all in the mind.

Maybe the hell that I’ve been through is not yet enough for me to become the person God destined me to be. Maybe the heaven that I’ve enjoyed is not yet the real heaven that I’m suppose to enjoy that’s why I’ve lost them in just a blink of an eye…

Maybe I’m just trying to convince myself that the pain I’m having right now is all in the mind.

Maybe I’m just so tired of not having the doubt that I’ve already lost you and the other you.

Maybe I’m just trying to move on.

Sunday, August 26th, 2007 at 5:29 am

Himig ng Pag-ibig


Baduy man o nakakatawa sa iba, naisip ko sanang gamitin ang himig na ito noong ako'y gumagawa pa lamang ng maikling kwento ukol sa engkantada.Kasikatan pa mandin noon ng teleserye ni Anne Curtis na Diyosa kaya hindi ko na rin sinubukan ilapat pa sa aking akda baka naman sabihing manggagaya.Pero maganda naman ang mga titik at melodiya.Magandang ilagay dito bilang theme song ng blog. (Hindi ko mapigilang mapangiti.)

Hoo hoo-hoo hoo-hoo
Hoh hoh-hoo hoo-hoo

Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
Bawat sandali mahalaga sa atin.

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin.

Chorus 1:
[Nan nanana nan nanana nan nanana nan nana]
[ Nana nana nana nana]
[Nan nanana nan nanana na]
[ Nana nana na]
[Nan nanana nan nanana nan nanana nan nana]
[ Nana nana nana nana]
[Nan nanana nan nanana na]
[ Nana nana na]

At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-ibig kay sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin.

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
[Ang ibong malaya]
Tulad ng la-ngit na kay sarap marating
[Langit man ay na---is niyang marating]
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
[Ang tibok ng puso]
Tulad ng himig ng pag-ibig natin.
[Tulad ng himig ng pag-ibig]


Chorus 2:
La lala lala
[Na na na na na na nana]
[ Nana nana nana nana]
La lala lala
[Na na na na na nanana]
[ Nana nana na]
La la la la la la la

http://www.youtube.com/watch?v=c3_VGRHOdFI

Monday, October 5, 2009

Iba't-Ibang Mukha ng Iisang Katauhan


Binanggit sa aming klase ni Dr. Isagani Cruz na nararapat daw na magkaroon ang isang manunulat ng tinatawag na writer's blog. Isang blog na lilikha ng isang imahe ng isang manunulat na malayo sa kung ano siya sa personal na buhay.Pinaliwanag niya na kadalasan ang akda ng isang tagapaglikha ay kaiba sa kung ano ang kanyang tunay na pagkatao.

Ngunit para sa akin iba-iba man ang mukha ng mga katauhan o mga imaheng aking binuo nananatiling iisa ang kanilang puso. Pusong nagmumula sa nag-iisang Diosa Engkantada.

Mula sa araw na ito ay masisilayan ng mga mambabasa ang aking iba't-ibang akda maging ang mga proseso ng aking panulat.

Maasahang may iba't-ibang tema, karakter at kaisipan ang aking ilalahad ngunit sa bawat akda'y masasalamin ang tunay na personalidad at kabuuan ng may likha.

Birth of the Goddess: Ang Kapanganakan ng Hiwaga ng Engkantada

Unang beses akong nagsulat sa blog noong Enero 19, 2007. Noong mga panahong akala ko'y ako'y nasa kawalan. Mga araw na paulit-ulit akong nasasaktan. Hanggang naitanong ko sa aking sarili kung pag-ibig nga ba ang dahilan ng pagluha at pagdaramdam. Aking muling sisilayan ang mga panahon ng pighati upang ang pagkataong aking tinataglay sa ngayon ay mapatunayan kung gaano katatag ang naging pundasyon at patnubay. Kaya naman ang "Hiwaga ng Engkantada" ay isang blog na binubuo ng aking dalawang naunang blog. Isa ay mula sa Friendster at ang ikalawa ay mula rin dito sa Blogspot.

Narito ang mga aking nasulat ukol sa simula ng dalawang blogs na nabanggit:

Birth of the Goddess

Friday, January 19th, 2007

In the beginning, there is nothingness…from that nothingness creation become endless…from that creation a goddess was born…not to rule the world…not to gain power…nor to attain success…but simply to be happy…

DIOSA ENGKANTADA

Posted on January 2009 4:52 PM
I'm now in the process of discovering what are the differences between the Diosa Engkantada last two years ago and the Diosa Engkantada today.

I posted all the blog entries of the OLD diosa from her FRIENDSTER's Blog so I may check the changes this GODDESS through as she dwell in MORTALS' WORLD.

The GODDESS who owns this Blogspot's account is sure that many transformations may occur as I critically and carefully trace the development of the Diosa she wish she could truly know.

Pagtuklas sa Hiwaga ng Isang Engkantada


Ang pahinang ito'y iginugugol ko sa aking patuloy na pagtuklas sa hiwaga ng aking iba't-ibang katauhan. Katauhang nababalot ng hiwaga at imahinasyon. Katauhang magbibigay ng buhay sa patak ng tinta at sa wangis ng isang papel.

Ang bawat akdang mailalathala rito Ingles man o nasusulat sa Filipino ay mula sa rurok ng puso ng isang makata, ng isang manlilikha at ng isang engkantadang nabubuhay sa bawat indayog ng ritmo at kumpas ng mga salitang napupuno ng misteryo at kagandahan.

Dito ay matatagpuan ang pag-iisa ng mundo ng isang diyosa at ng isang engkantada.

Dito ay magpapalukob ang katotohanan sa imahinasyon.

Dito ang bawat sakit, pait at wakas ay simula ng buhay ng isang maningning na literatura.